Message 838 (in Tagalog) – 31 December 2021

ATING MAHAL NA INA: “Ang mundo ay daraan sa maraming pagdurusa. Sila ay naniniwala na ang krus na kanilang pinagdurusahan ay ang lahat ng kanilang pagdaraanan, ngunit ito ay simula pa lamang – ito ay magpapatuloy hanggang sa Babala. Manalangin para sa Biyaya ng Aking Pagpapala ng Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, Katuwang na Manunubos at Tagapagtanggol [Mediatrix of All Graces, Co-Redemptrix and Advocacy]. Ipagdasal ang Europa, dahil ito’y magdurusa ng labis. Ang Rusiya ang magiging pangunahing salarin, dahil naniniwala sila sa Komunistang paraan, ngunit ito ay magdadala ng maraming pagdurusa sa mundo at higit pa, sa Simbahan.”