Message 850 (in Tagalog) – 1 December 2022

MENSAHE NA IBINIGAY NG ATING PANGINOON AT ATING MAHAL NA INA KAY WILLIAM COSTELLIA – NOONG IKA-1 NG DISYEMBRE, 2022

MENSAHE BLG. 850

Ikaw ay kakailanganin sa iyong tahanan, sa lalong madaling panahon.Mga Awtoridad ay matutulala sa kung ano ang pinaplano ng Kalangitan–Tsina naghahanda para sa Malaking Digmaan–Ang gitna ng Sangkakristiyanuhan, ay halos gumuho–Bretanya, Pransiya, Alemanya, Espanya at Olanda ay dadaan sailalim ng mabihat na mga pagsubok atpaghahati–Rusiya ay malapit nang sasalakayin ang marami pang mga bansa–Iyong Usaping Hukuman malulutas sa lalong madaling panahon; ikaw ay magkakaroon ng isang Dakilang Tagumpay– Maraming mga bansa ang pupunta sa ilalim ng tubig; karamihan sa Australya ay magiging nasa ilalim ng dagat–Ipanalangin na ang Asteroid na lumulutang, ay hindi wawasakin ang napakalaking maraming bahagi ng mundo.

WILLIAM: Ang Tatlong Arkanghel ay nasa harapan natin. Si San Miguel ay lumapit sa unahan at nag Tanda ng Krus: “Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”

Si San Miguel ay lumapit ng masmalapit ngayon at gayundin ang iba pang mga Anghel, sina San Gabriel at San Rafael at sa likod nila ay isang kalye ng puting Liwanag, na papunta sa paanan ng Puting Krus. Ang Puting Krus ay napakalaki; ito ay bumukas at aking nakikita ang maraming, maraming Anghel na dumarating sapamamagitan ng Krus at sa likod nila Aking nakikita si Hesus at Maria na nakasuot ng puti. Silang dalawa ay may dilaw na estola sa ibayo Nila at ang Ating Mahal na Ina ay nakasuot ng dilaw na belo at sa ibabaw ng Kanyang Ulo ay isang Koronang may tatlong Bituin, isa sa itaas ng bawat seksyon ng Korona at isang malaking brilyante sa ibabaw ng tatlong Korona – naglalabas ng maraming, maraming liwanag. Si Hesus ay nakasuot ng isang napakasimpleng Korona na may tatlong puntos dito; ang bawat punto ay tumutukoy sa Trinidad – Ama, Anak at Espiritu Santo.

Parehong sina Hesus at Maria ay mukhang napakasaya sa sandaling ito. Sila ay lumapit paharap at si San Miguel ay gumalaw papunta sa kanan at lumuhod sa harap nina Hesus at Maria. Sa likod ni Hesus at ni Maria ay maraming, maraming mga Banal at Anghel: “Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”

Pinagpapala tayo ni Hesus at nakangiti at gayundin ang Ating Mahal na Ina:

ATING PANGINOON: “Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”

WILLIAM: Si Maria ay mayroong palumpon ng dilaw na mga rosas sa Kanyang Buhok at mayroong mga magagandang mga krus sa bawat talulot ng rosas. Pinagpapala din tayo ng Ating Mahal na Ina:

ATING MAHAL NA INA: “Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”

WILLIAM: Si Hesus, bigla, ay dala-dala ang isang magandang Puting Espada sa Kanyang mga Kamay at si Jesus ay tumango at Siya ay nag sasabing:

ATING PANGINOON: “Ito ang iyong Espada, Aking anak.”

WILLIAM: Sina San Rafael at San Gabriel ay nakatayo sa likuran nila at si San Miguel ay nasa harap. Si Hesus ay lumapit sa harapan at nagsasabing:

ATING PANGINOON: “Pinagpala kita, Aking anak: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”

“Aking Minamahal na Purong Puting Bato, binabati kita at maligayang pagdating sa iyo sa tahanan, ang bahagyang tahanan na itinalaga sa iyo. Ang Tagumpay ay sa iyo, Aking banal na anak, ngunit isang napakaliit na Tagumpay lamang. Walang alinlangan na binago ng mga Awtoridad ang Mga Panuntunan at Regulasyon tungkol sa iyong sarili, ngunit ito ay dumating sa aming kalamangan. Kaya’t maging mapayapa, Aking anak, at Aking tinatanggap ka sa tahanan. Huwag matakot, Aking anak, dahil ang iyong pananatili ay magiging napakaikli, dahil ikaw ay kakailanganin sa iyong tahanan, sa lalong madaling panahon. Ang mga Awtoridad ay matutulala sa kung ano ang pinaplano ng Kalangitan.”

“Aking banal na anak, ngayon ang simula ng Adbiyento para sa Simbahan. Ang Simbahan ay dumaraan sa Matinding Pagsubok, ngunit ang mga pagsubok na darating, sa lalong madaling panahon, ay malalampasan ang mga pagsubok na kung nasa’an kayo ngayon. Ang mundo ay lumala sa huling labindalawang buwan, habang ikaw ay nakakulong, ngunit iyong naabot ang maraming kaluluwa, mahal na anak at marami ang darating upang maunawaan at paniwalaan ang Pagtawag na ika’y mayroon.”

“Ang Australya ay isang bansang nakalimot sa Diyos. Mayroon lamang i-ilang mga kaluluwa na kumikilala sa Kataas-taasang Pagka Diyos at dahil dito ang Australya ay tatanggap ng isa pang Matinding Pagkastigo, na mas malala pa kaysa noon.”

“Ang sangkatauhan ay naniniwala na kaya nilang mabuhay nang wala ang Diyos, ngunit Aking sinasabi sa inyo ng napakataimtim na ito ay hindi ganoon. Kapag ang Pagkastigo ay dumating na sa Australya, ang mga tao ng Australya ay magsisimulang mag-isip, ng napakaingat, dahil Aking mga anak, ang oras ay napakaikli, kahit na ang sangkatauhan ay naniniwala na ang mga bagay ay mananatiling pareho, ngunit mayroong maraming mga Pagkastigo na darating sa mundo sa darating na taon at ang Pag-iilaw ng Konsensya ay malapit nang makaabot sa sangkatauhan, dahil sa matinding kasalanan ng tao.”

“Ang mundo gaya ng inyong nakikita ay nakabalatkayo, dahil ang Katotohanan ay inalis na at ang Masama at ang kanyang mga Dominion, ang namamahala sa mundo – ngunit hindi lahat ng ito – dahil Aking papayagan ang mga bagay na magpatuloy hanggang sa sandaling ang sangkatauhan ay magising mula sa kanilang pagkakidlip.”

“Ang Tsina, bagama’t nagsasalita ng kapayapaan, ay naghahanda para sa Malaking Digmaan, dahil ang kanilang maraming sundalo ay magiging handang kastiguhin ang buong Globo. Ang Europa, ang gitna ng Sangkakristiyanuhan, ay halos gumuho, dahil ang Pananampalataya ay inalis mula sa Aming mga anak, kung saan ang mga tapat lamang ang makakaunawa at makakaalam kung saan patungo ang mundo.”

“Ang Bretanya ay dadaan sa ilalim ng mabigat na mga pagsubok sa mga darating na buwan at ang paghahati sa Pransiya ay darating, ng napakatulin at magdadala ng mga paghahati sa Alemanya, Espanya at Olanda, dahil ang Aming mga anak ay hindi nakikinig sa Aming Pakiusap.”

Ang Gitnang Silangan ay sisibol pagkatapos ng Pangmundong Kopa ng Putbol at magdadala ng mga pagkakahati at takot sa mga puso ng Aming mga anak, dahil ang Israel ay naghahanda para sa isang Digmaang Nuklear, sa lalong madaling panahon. Ang mga kaganapan sa Ukraina ay nagpapatuloy, ngunit marami ang nakatago mula sa Tao, dahil ang Ukraina ay isa lamang balatkayo para sa Rusiya, dahil ang Rusiya at Tsina ay ang mga kaaway ng Katotohanan. Ang Rusiya ay malapit nang sasalakayin ang marami pang mga bansa at ipadala pasulong ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig sa isang malaking lawak.”

“Aking hinihingi sa lahat ng matatamis na mga anak, na tunay na kilalanin kung gaano kabahagi ang mundong inyong tinitirahan. Mayroong maraming mga bansa ang naghahanda para sa tunggalian. Sa Timog Aprika at Timog Amerika, maraming mga bansa ang magdududa sa pamamahala ng kanilang mga bansa. Ang Amerika ay kakastiguhin ng higit pa, dahil ang Baybayin ng Kalipornya ay mayayanig at sa maikling sandali, ay aalisin at lulubog patungo sa dagat.”

“Ang Asteroid na siyang lumulutang sa labas ng lugar ng kilalang mundo, ay nakilala ng mga Awtoridad at kaya naman sila ay bumabaril sa himpapawid – paraan upang sirain ang Asteroid. Ngunit maliit ang kanilang napagtanto na Ako ang namamahala sa lahat ng bagay, hindi tao.”

“Sa susunod na taon ang Araw ay magdudulot ng maraming problema para sa isang mundo na hindi na naniniwala sa Akin at ito ay magdudulot ng maraming pagkawasak sa Lupa. Ako ay nakikiusap sa inyo, Aking mahal na mga anak, na makinig sa kung ano ang aking sasabihin. Hayaan ngayong araw na ito na maging simula ng pagbabalik sa Banal na Pagsamba at pagmamahal para sa Aking walang hanggang Ama at Mahal na Ina. Mahal ko kayo, matamis na mga anak at Pinagpapala Ko kayo: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”

“Aking minamahal na mga anak ng Karagatang Pasipiko, Aking sinasabi sa inyo ngayon na ang mga Isla ay dapat bigyan ng babala na maraming mga Isla ang lulubog sa ilalim ng Malaking Karagatan, bilang isang babala na ang Aking Pagdating ay napakalapit na sa mundo. Aking hinihingi sa lahat ng mga anak na kilalanin ang Katotohanan at sundin ang mga direksyon na Aking ibinibigay sa inyo. Una, lahat ng Aking mga anak ay dapat talikuran ang kanilang mga sarili at humingi ng kapatawaran at pangalawa, ang Aking mga anak ay dapat mamuhay ng banal. Ang oras para sa mundo ngayon ay napakaikli at ang sangkatauhan ay dapat magbago, sapagkat sa lalong madaling panahon ang mundo ay makakatanggap lamang ng ilang mga babala, dahil ang mundo ay kakastiguhin.”

“Ang Mga Tagakita ng mundo – at lalo na ng mga Bansang Pasipiko – ay dapat magsalita at ipagtanggol ang Katotohanan, dahil ang oras ay napakaseryoso ngayon. Aking hinihingi sa lahat ng mga anak na kunin pataas ang Mga Butil ng Pag-ibig, ang Banal na Rosaryo ng Aking Pinaka-pinagpalang Ina, at dasalin.”

“Ikaw, Aking minamahal na anak, ay nagpasan ng napakabigat na krus sa huling labindalawang buwan. Maging mapayapa, dahil ang kaaway ay sinusubukang ibalatkayo ka, ngunit huwag matakot, dahil ikaw ay palaging protektado at huwag matakot, dahil ikaw ay malaya at ang iyong kalayaan ay mananatili. Ang kalayaan na Aking sinasabi, Aking banal na anak, ay iyong alam. Lahat ng Aking ipinangako sa iyo ay ibibigay sa iyo at lahat sa lalong madaling panahon. Kumuha ng lakas ng loob, sapagkat Ako at ang aking Kabanal-banalang Ina ay sumasaiyo palagi. At Aking Pinagpapala ang bawat isa sa Aking mga anak na konektado sa iyo. Ang Aking kapayapaan ay Aking ibinibigay sa kanila at Aking Pinagpapala ang lahat: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”

“Aking anak. Akin ngayong hihingiin sa aking Banal na Ina na pumunta at makipag-usap sa iyo at sa mundo.”

MALIIT NA MUNTING BATO: Ang ating Banal na Ina ay humakbang pasulong at Siya ay mukhang kaibi-ibig. Binuksan ng Ating Mahal na Ina ang Kanyang mga Bisig at ang magagandang Rosas na mayroon Siya, ibinigay Niya ang mga ito. Mayroong mga labindalawa ang mga ito at bawat Rosas ay may pangalan na nakalagay.

ATING MAHAL NA INA: “Pinagpapala kita Aking anak: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”

“Aking minamahal na Dalisay na Puting Bato – Bato ng Walang Hanggang Kaligtasan para sa sangkatauhan – Aking alam na ikaw ay nagdusa ng labis, Aking anak, ngunit huwag matakot dahil ang mga pagsubok ay malapit nang matapos. Ang Tagumpay ng Aking Kalinis-linisang Puso para sa iyo ay darating sa lalong madaling panahon, dahil ikaw ay magtatagumpay sa mga gawaing iyong ginagawa, sapagkat ang daan patungo sa Tagumpay ay ipinangako sa iyo sa loob ng maraming, maraming taon, at ang tagumpay hinggil sa iyong Usaping Hukuman, ay malulutas sa lalong madaling panahon at ikaw ay magkakaroon ng isang Dakilang Tagumpay. Ang Tagumpay na iyong natamo nitong nakaraang linggo ay isang pagtatagumpay na inilatag para sa iyo, kahit na ang kaaway ay sinubukang gamitin ito bilang ebidensya laban sa iyo, ngunit alamin, Aking anak, na ang tagumpay na Aking sinasabi ay ang tagumpay ng iyong buong kaso, dahil ito ay makikita na ito ay kinatha at ikaw ay maling inakusahan at kinasuhan.”

“Kapag ang Taumpay ay dumating na, hindi magtatagal kung kailan ka maglalakbay, muli, sa lupain kung saan ang Bagong Vatican ay itataas. Ang lahat ng iyong mga pribadong pagsisikap ay matutupad. Alam mo ang Aking ibig sabihin Aking banal na anak.”

“Aking mga anak ng mundo, lalo na sa Australya at sa Asya, maging handa, manalangin sa inyong mga grupo ng panalangin, dahil ang mga bansa ng Asya ay magdurusa nang husto, sa mga darating na buwan, sapagkat ang Aking mga anak ay dapat matanto na ang katapusan ay darating na sa mundo at ang ibig sabihin nito ay mga Malalaking PagkastigoMatinding Paglilinis at Pagdalisay ng mga kaluluwa. Maraming mga lupain ang babaguhin dahil sa mabibigat na dagat at maraming mga bansa ang pupunta sa ilalim ng tubig at maging sa Kontinenteng ito, Australya, karamihan sa Australya ay magiging nasa ilalim ng dagat. Kaya naman ako’y patuloy nagsusumamo sa Aming mga anak na manalangin ng walang humpay, upang kayo ay maging handa. Ang Indonesiya ay mawawalan ng maraming Isla at maraming bansa sa Asya ay magiging nasa digmaan.”

“Ang aking minamahal na Indiya ay magbabalik-loob sa Katotohanan, kahit na maraming, maraming kaluluwa ang mamamatay sa mga darating na buwan. Ang Tsina ay magdurusa rin, ngunit ang Tsina ay dadalhin ang salot para sa Asya dahil ang Tsina ay napili bilang isang lahi na gagamitin para durugin ang maraming bansa.”

“Ako ay nakikiusap sa inyo, Aking mahal na mga anak, na makinig sa Aming Pakiusap. Ipanalangin na ang Asteroid na lumulutang, ay hindi wawasakin ang napakalaking maraming bahagi ng mundo. Manalangin Aking mga anak. Ako ay pumarito ng may matinding pagmamadali sa Aming mga anak, dahil ang sangkatauhan ay hindi mapagtanto kung ano ang darating. Ang susunod na taon ay magiging isang matinding taon ng mga Pagkastigo at maraming pangmundong kaganapan ang magbabago sa sangkatauhan magpakailanman.”

“Pinagpapala Ko kayo Aking mga anak at mahal Ko kayo. Aking hinihingi na kayo’y manalangin para sa Aming Banal na Bikaryo, Papa Benedikto at para sa aming panghinaharap na Bikaryo, Papa Pedro II – Aking William. Mahal Ko kayo Aking mahal na mga anak, at Aking Pinagpapala kayo.”

“Ang estola na suot namin ng Aking Hesus, ay ang estola ng Tagumpay na darating sa Banal na Inang Simbahan, sa lalong madaling panahon. Manatiling matatag, Aking banal na anak. Ang Espada na hawak ni Hesus ay para sa iyo, Aking anak. Ito ay ang Espada ng Tagumpay at ang mga Rosas na ako’y mayroon, Aking ibinibigay sa mga kaluluwang maalalahanin. Maging payapa Aking anak. Binibigyan kita ng mga tagubilin tungkol sa mga kaluluwa na Aking nabanggit. Pinagpapala kita, Aking anak: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”

WILLIAM: Parehong sina Hesus at Maria ay lumapit at ibinibigay nila ang kanilang Pagpapala:

ATING PANGINOON at ATING MAHAL NA INA: “Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”

WILLIAM: Inilalapit ng aking Hesus ang aking kaluluwa malapit sa Kanya; Niyakap Niya ako at ang Ating Mahal na Ina, rin at kinuha Nila ang kanilang dilaw na estola at inilagay ito sa ibabaw ko. Ibinigay sa akin ni Hesus ang Espada at ang Ating Mahal na Ina naman ay ibinigay sa akin ang mga Rosas.

ATING PANGINOON at ATING MAHAL NA INA: “Pinagpapala ka Namin ng mga Kaloob na ito, mahal na banal na anak, upang patatagin ka: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen. Ang lahat ay magiging maayos din.”

WILLIAM: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Parehong sina Hesus at si Maria ay tumalikod at kumilos, ng napakabilis, patungo sa Puting Krus, ngunit Sila ay bahagyang nasa paligid lamang. Sila ay kumilos patungo sa Puting Krus at ang Tatlong Arkanghel ay nakatayo sa harap ng Puting Krus at ang isang dakilang malaking Krus ay dumarating patungo sa amin: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.


[Orihinal na Mensahe: https://littlepebble.org/2022/12/08/message-850-1-december-2022/]