Marie-Julie Jahenny (in Tagalog) – 6 December 1874
Ating Mahal na Ina kay Marie-Julie Jahenny: “Aking Anak, magtiis ng may pasensya. (Ang Banal na Mala-anghel na Santo Papa na darating). Sa lalong madaling panahon Aking pagpapalain ang iyong mga tanikala at aalisin kita palabas mula sa mga malalaking pagsubok at mga tinik na sumasalakay sa iyo, dahil ikaw ay babalutan sa liryo (sa ibang salita: Ang Dakilang Monarko, at ang mga prinsipe ng liryo). Aking Anak, matagal ka nang namumuhay sa tanikala sa gitna ng paninirang-puri at pag-uusig, oras na para Aking basagin itong mga tanikala at Aking wasakin ang templo ng mga walang pananampalataya na nakapalibot sa iyo. Aking anak, narito ang Aking Puso na dumarating upang iligtas ka mula sa mga kamay ng mga barbaro at lilituhin silang lahat. Ako ay pumarito upang bigyan ka ng isang pinaka maluwalhating trono kung saan ikaw ay maghahari hanggang sa iyong kamatayan.”